Linggo, Marso 18, 2012

KASASAYSAYAN ANG NAGTUTURO SA KASALUKUYAN


            Ang pag-aaral ng Noli Me Tangere ay ginawa ng ating Pambansang Bayani na si Jose Rizal upang imulat sa ating mga Pilipino ang mga problema at suliranin ng ating bansang Pilipinas. Sa nagdaang sampung mahigit kumulang sampung buwan ay madami na akong natutunan sa pag-aaral ng Noli Me Tangere. Pinag-uusapan dito ang  napakaramng suliranin ng bayan na hindi natutugunan ng mga mamamayang Pilipino sapagkat sila ay nabubulag mula sa katotohanan dahil kapag nalaman natin itong mga atotohanan ay mabubuwag na ang samahan ng mga makapangyarihan. Kapag lumaban ang tinaguriang “mang-mang” na mamamayang Pilipino, makakamit nila ang kinaaasam-asam nating kalayaan.

            Sa katauhan ni Ibarra ay nakita ko ang personalidad ni Jose Rizal. Nakita ko ang isang edukado, matipuno, matapang, maka- Diyos at pagiging makabayan. Dahil sa Noli Me Tangere ay nagging inspirasyon ko si Jose Rizal sa lahat ng aking ginagawa. Nakatulong ang pag-aaral sa Noli Me Tangere na makagawa ng mga pagbabago sa ating bayan. Madami kaming nagging proyekto ukol sa paggwa ng pagbabago sa ating bayan. Nagging batayan ang Noli Me Tagere upang Makita ag suliranin sa bayan at kung ano ang maaaring mga solusyon ditto.

            Sa pag-aaral din ang Noli Me Tangere ay nahubog ang mga abilidad ko sa buhay. Mas nakaka-unawa na ako gamit ng libro o mas nahubog ang kakayanan kong bumasa, Mabilis na akong makaintindi ng mga teskto sa pamamagitang ng pagalahad ng kalaaman sa teksto, natutunan kong maging isang malikhaing tao lalo na sa sanga ng literatura at marami pang iba.

            Madami rin akong naunawan ukol sa ating bayan na ipinapaliwanag ng Noli Me Tangere. Totoo ngang makaiba ang bayan noon sa bayan ngayon ngunit dahil sa Noli Me Tangere ay natutununan ko na mayroon mga bagay na pronblema noon ay problema parin hanggang ngayon tulad ng diskriminasyon sa tao, korupsyon, pag-aalsa, mga hindi makatuwirang batas, mga umaayon sa makapangyarihan, mga lihim na gawain at iba pa.

            Ayon naman sa pagtatanghal naming ay marami na akong nahubog na kaugalian. Natuto akong maging malikhain sa pagawa ng props naming para sa pagtatanghal, mas pinahalagahan ko ang pag-budget ng oras, mas naging maunawain ako sa aking mga kasamahan, mas naging matulungin ako sa mga gawain, alam ko na ngayon maging seryoso sa aking mga gawain, mas gumanda ang pag-iisip ko sa pagplaplano, nagging bukas ang isipan ko sa mga ideya ng aking mga kaklase, lumabas ang pagiging isang lider kung paminsan-minsan at marami pang iba.

            Sa lahat-lahat, ito ay isang asignaturang hindi lang nakapagbibigay ng imformasyon kundi nagbibigay din ito ng tulong pang mabukas ang isipan natin na gumawa ng mga magagandang pagbabago sa ating bayan. Bilang mga mag-aaral ay nakakatulong ang pag-aaral ng Noli Me Tangere sa paghubog ng katayuan natin dito sa atin bayan. Makikita natin na magsisimula lamang ang pagbabago sa ating mga kabataan. Maganda ang nilalaman ng Noli Me Tangere na gusting ipahiwatig ang mga problema sa ating bansa. Gusto lamang nitong isaad na ang kanser ng lipunan ay kailangan nang mawala sa pamamagitan ng edukasyon. Edukasyon na bubuo sa pagkatao ng isang mamamayang Pilipino na makakagawa ng mga magagandang pagbabago dito sa bayan na kapag nagpatuloy ay maiaangat na ang kinabukasan nito at magiging kilala bilang maunlad na bayan at hindi bilang lupa ng problema. 

1 komento:

  1. Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
    mayocareclinic@gmail.com
    Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
    Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.

    TumugonBurahin